Pictorial Essay

KATHA: Sining, Aklas, Hiwaha Cultural Exhibit

|Piling Larangan||ADT112|

Sa unang pagkakataon ay nagkaroon ng oportunidad ang ADT112 na makapagorganisa ng isang Cultural Exhibit sa LPU-C noong ika-15 ng Mayo taong 2019 bilang isang ALE nila sa asignaturang Contemporary Philippine Arts from the Regions. Ang exhibit na ito ay naghahangad na maipakita ang iba’t ibang kasaysayan at kultura ng ating bansa.

Ang Cultural exhibit ay pinamagatang KATHA: Sining, Aklas, Hiwaga na nabuo dahil sa pagiging buklod at buo ng ADT 112. Mayroon din adhikain na mapreserba at mapanatili ang mga katangi-tangi at pamanang lugar ng nakaraan sa ating kasalukuyan na may layuning mapreserba ang mga kulturang bumubuo sa ating lipunan na kung saan ito ay parte na ng ating pagkatao. Ito ay pinamunuan ng President ng klase na si Ley Pugeda.

Ang programa ng Katha ay ginanap sa room J405 at naging bukas ito sa mga estudyante at mga guro. Nais nilang maibahagi ang kanikanilang mga talento kaya’t nagkaroon dito ng mga tugtugan at kantahan sa para sa pasimula.  

Sa pagdating sa exhibit ay mapapansin agad ang mga likha ng mga visual artist sa biswal na sining (visual arts) at mga Literatura. Makukulay at malikhain ang mga gawa nila na nagpapakita ng iba’t-ibang kultura at hiwaga ng ating bansa.

Nagtayo ng isang banda ang buong klase na binubuo ng labing-isang miyembro. Ito ay tinatawag na “Aklas Band”.

Naghanda rin sila ng isang Fashion show na naaayon sa kanilang tema. Tinatawag itong “Elemento” na nagpapakita ng iba’t-ibang kasuotan ng mga diyos and diyosa. Ito ay pinamunuan ng fashion director na si Kent Martinez na may walong modelo.

Nagkaroon din ng promotion video ang katha at ipinakita kung papaano ang proseso nila sa paghahanda sa exhibit. Ipinalabas ito bago rumampa ang mga modelo (Elemento).

Sa kabilang gilid ng exhibit ay mapapansin ang mga larawan at litarto na kinunan ng mga Photographers ng ADT112. Makikita dito ang mga litrato ng mga modelo at mga artworks na gawa ng mga digital artists.

Marami ang dumalo sa cultural exhibit at upang masaksihan ang mga talento mayroon sila. Ang lahat ng pagod at sakripsiyo ng buong klase ay hindi nasayang at naging matagumpay ang unang exhibit ng ADT112 batch 2018-2019.

Nagkaroon ng “open exhibit” pagkatapos ng programa. Ito ay para malibot ang kabuuan ng exhibit at masaksihan ang mga gawa at artworks ng ADT.

||Pamela Vista||

LAKBAY-SANAYSAY

|Piling Larangan||ADT112|

Trip to Baguio

Ang Baguio ang binansagang “Summer Capital of the Philippines”, at ito ang pinakamagandang lugar para magpalamig dahil sa temperatura na mayroon ito. Ito ay isang lugar sa Pilipinas na malimit puntahan at dayuhin ng mga turista mula sa iba’t ibang bansa, di lamang dahil sa taglay nitong malamig na klima bagama’t pati na rin ang magagandang tanawin nito. Mainit man o malamig ang panahon, dinarayo pa rin ito ng nakararami upang mamasyal at makapagpahinga.

Naging kahiligan ko na nag paglalakbay noon pa man. Bata pa lamang ako ay madalas na kami ng aming kapatid na isama sa iba’t-ibang lugar. Labis na nakakabighani ang kagandahan nang makita at matuklasan ko ang mga tanawin ng Baguio noong Abril taong 2018. Nagkaroon kami ng pagkakataong makapunta at makapamasyal sa Baguio kasama ang aking pamilya kasama at ang aming mga pinsan. Halos anim na oras ang binyahe at sa aming mga dinadaanan ay aking napansin ang matatarik at pasikot-sikot na kalsada. Nang kami ay nakarating na, kami’y nanibago sa klima dahil sa malamig na simoy ng hangin at paligid. Sa una naming destinasyon ay kami ay nagpalitrato sa sikat na sikat na “Lion’s Head” na madadaanan sa Kenon Road at dito rin makakatikim ng strawberry taho. Pagkalipas ng ilang oras ay nagpahinga muna kami at kumain ng umagahan sa Choco-late de Batirol. Tamang-tama lamang ang mainit na tskolate sa malamig na klima. Kumuha rin kami ng mga litrato nang aming mapuntahan ang Teachers camp na isang events venue na matatagpuan sa Leonard Wood Road. Nakapunta rin kami sa Burnham Park na isang historic urban park sa downtown. Na kung saan magandang mapasyalan dahil sa boat riding at fountain na makikita. Ito ang isa sa pinaka-kilalang atraksyon na mayroon ang Baguio dahil sa marami ng mga aktibidad na maaaring gawin. Ako’y labis na natuwa na nakapunta kami sa sikat na Strawberry Farm sa La Trinindad, Benguet at makaranas na pumitas ng mga strawberry, lettuce at marami pang iba. Natikman din namin ang iba’t-ibang putahe at pagkain na mayroon sila. Lalo na ang sikat na ube jam ng “The Good Shepherd” sa Baguio. Isa ring kahanga-hangang lugar ang Mines view park dahil sa tanawin at paligid na makikita dito at dito rin pwedeng kumuha ng litrato na suot-suot ang makukulay na Igorot costume. Marami rin kaming napuntahan tulad ng the Mansion, Tam-awan Village, Lourdes Grotto, at Wright Park na maaring mapuntahan. Marami ding mga gamit at souvenirs na mabibili na pwedeng ring ipasalubong. Kami ay nanatili roon ng tatlong araw kaya aming sinulit ang aming pagpunta doon.

Sa aming paguwi mas nabigyang pansin ko ang kagandahan ng Pilipinas at ang pagpapahalaga ng yaman at kultura na mayroon tayo. Ako’y natutuwa sapagkat kasama ko ang aking mga mahal sa buhay sa aming paglalakbay. Saksihan natin ang kagandahan nating na mayroon ang Pilipinas. Huwag tayong maging turista sa sarili nating bansa.

||Pamela Vista||

PAGSUSURI NG LIKHANG SINING: STARRY NIGHT

|Piling Larangan||ADT112|

Art Critique

Ang sikat na “Starry Night” na nilikha ni Vincent Van Gogh na isang Dutch post-impressionist painter ay ginawa noong taong 1889. Kilala ito dahil sa makulay at kakaibang estilo ng kanyang pagpinta. Mapapansin ang malikhaing niyang pagsasalarawan ng gabi at ayon sa kanya ito ay isang oras para sa pagkamalikhain at nagdala ito ng isang damdamin ng seguridad at kaginhawahan. Ito ay nagpapakita ng kaibahan sa pagitan ng maliwanag na kalangitan sa gabi at ang katahimikan ng nayon.

Tunay na may kakaibang epekto ang mga likha niya sa tuwing ating makikita at mapapagmasdan. Kapansin-pansin ang malawak na paggamit niya ng linya, anyo, hugis, at kulay. Siya ay may kakaibang talento na humawak sa atin sa kanyang mga gawa ng sining. Ang Starry Night ay isang oil painting sa canvas. Ang aktwal na tekstura ng pagpipinta niya ay magaspang, na nagbibigay ng dagdag at diin sa kanyang pag-ikot na estilo. Makikita ang kontrast sa pamamagitan ng kulay at laki kasama ang tahimik na nayon, grandeng ulap, mga maliliit na bituin, at ang maliwanag na buwan. Iba’t ibang elemento ang ginagamit, ngunit ang sentro ng interes ay nasa kilusan ng enerhiya sa kalangitan. Ang diin ng mga organikong hugis ay nagpapahiwatig na tinitingnan niya (Van Gogh) ang kalaliman ng kalawakan na higit pa sa ating kaalaman. Ang mga kulay na pinili ay nagpapadala ng isang matindi at malalim na damdamin dahil ang gawa ni Van Gogh ay hindi lamang isang simpleng “artwork”. Sinasabi na ginagawa niya ito habang dumaranas siya ng isang mental na kondisyon. Ito ay may malalim na kahulugan na ipinapahiwatig sa likod ng kanyang likha. Hinahangaan ko mga gawa ni Van Gogh at tunay ngang nakakbighani ang mga ito na labis kong ito nagustuhan.

Ang Starry Night ni Van Gogh ay isinasangalang-alang na isa sa pinakasikat na likha ng sining na kinikilala sa kanyang indibidwal na pamamaraan. Siya ay isang malaking tagahanga sa gabi at ang kanyang pagkahilig para sa mga ito ay inilalarawan sa Starry Night. Ito ay may malikhain at kakaibang paggamit ng komposisyon. Kanyang nabago ni ang isang blangkong canvas at na bigyang buhay ito.

||Pam Vista||

BIONOTE

|Piling Larangan||ADT112|

Si Jean Pamela Lois A.Vista ay isinilang noong taong 2001 sa Tagaytay City. Nagtapos siya ng Junior High school sa Samuel Mission International School (SMIS) bilang isang Honor Student at nagkamit siya ng Aristotle Award. Parte siya ng Pathfinder Organization sa kanilang paaralan at naging School Club Director noong nasa ika-anim na baitang. Naging libangan niya ang pagtugtog ng organ at bata pa lamang ay hilig na niya ang pagguhit kaya siya ay madalas na ring nananalo sa mga Poster Making Contest. Isa ito sa mga rason at dahilan kung bakit niya napili ang strand na ADT (Arts and Design Track). Siya ay kasalukuyang nagaaral ng Senior High school sa LPU-C (Lyceum of the Philippines University Cavite) at nais niyang makapagtrabaho sa larangan ng sining.